-- Advertisements --

Muling binuksan ng US ang kanilang embahada sa Kyiv, Ukraine matapos ang tatlong buwan na pagsasara dahil sa pag-atake ng Russia noong Pebrero 24.

Ayon kay spokesperson Daniel Langenkamp, na mayroon lamang piling diplomats ang bumalik sa kanilang staff mission.

Dagdag pa nito na hindi agad na babalik din ang consular operations.

Wala rin aniya kasing ipinapatupad na travel ban ang US sa Ukraine kaya nila ibinalik ang operation kanilang embahada.

Magugunitang isinara ang US ang kanilang embahada sa Ukraine noong Pebrero 14 o 10 araw bago ang pag-atake ng Russia.

Nagtungo sa Poland ang mga empleyado ng embahada sa unang dalawang buwan.