Nanindigan ang Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas na nasilbihan na ng kanilang kababayan na si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ang sintensya nito matapos hatulan sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.
Sa isang statement, sinabi ng US Embassy na dumaan naman sa legal na proseso at naka-ayon sa batas ng bansa ang pinagdaanan ni Pemberton.
“All legal proceedings in the case took place under Philippine jurisdiction and law. Lance Cpl. Pemberton fulfilled his sentence as ordered by Philippine courts and he departed the Philippines on September 13.”
Ang pahayag na ito ng Embahada ay kasunod nang paglipad pabalik Amerika ni Pemberton kaninang umaga, isang linggo matapos gawaran ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Taong 2015 nang mahatulang guilty sa kasong homicide ang Amerikanong sundalo, na may sintensya sanang higit 10-taon na pagkakakulong.