-- Advertisements --
Iwas-pusoy ang US sa usapin na kanilang hiniling sa Israel na kung maaari ay iantala nila ang kanilang ground attack sa Gaza para mabigyan daan ang mapayapang pag-uusap sa Hamas at mapalaya ang mga bihag nila.
Sinabi ni US National Security Council coordinator for strategic communications John Kirby na pinapaubaya nila sa Israel ang nasabing desisyon kung iaantala nila ang nasabing atake.
Gaya aniya ng mga hiling ng ibang bansa ay hangad din nila na mapalaya ang lahat ng bihag ng Hamas militants.
Muling binigyang halaga ni Kirby ang pagbibigay daan ng humanitarian assistance sa Gaza para sa mga sibilyan na naiipit sa kaguluhan doon.