Iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas na umaabot sa 23.3 billion US dollars ang pumasok na remittances o ipinadala ng mga manggagawang Pilipino sa unang walong buwan ng taong 2022.
Base sa datos ng ahensiya, mas malaki ito sa 22.67 billion US dollars na naitala sa unang walong buwan ng taong 2021.
Halos 3.02 billion US dollars ang pumasok na personal remittances nitong Agosto na mas malaki ng 4.4 percent kumpara sa 2.89 billion US dollars noong August 2021.
Maging ang cash remittances na pumasok sa mga bangko na 2.72 billion US dollars nitong August 2022 ay mas mataas din kumpara sa 2.61 billion US dollars na naitala noong August 2021.
Napag-alaman na nasa 41.7 percent ng pumasok na remittances sa unang walong buwan ng 2022 ay galing Estados Unidos; 6.9 percent ay mula sa Singapore; 5.8 percent sa Saudi Arabia; habang 4.9 percent naman sa Japan at United Kingdom.