-- Advertisements --

Dumating na sa bansa si US Defense Secretary Lloyd Austin.

Sinalubong ito ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson at ilang opisyal ng gobyerno.

Galing sa South Korea si Austin at tinalakay doon ang pagpapalakas ng seguridad sa Korean region.

Ito na ang pangalawang pagtungo ni Austin sa Pilipinas na ang una ay noong Hulyo 2021.