-- Advertisements --

Ginisa ng mga mambabatas sa US si Defence Secretary Lloyd Austin dahil sa hindi nito pagbibigay alam sa White House noong ito ay dinala sa pagamutan.

Inamin nito na ang insidente ay isang pagkakamali ukol sa protocol.

Ilan sa mga mambabatas ang nagsabi na ang ginawa niya ay isang uri ng kahihiyan.

Ang 70-anyos na si Austin ay sumasailalim sa gamutan dahil sa kaniyang prostate cancer.

Magugunitang umani ng batikos ang hindi pagpapaalam ni Austin noong ito ay naospital sa Enero.