-- Advertisements --
Mas pinaigting pa ng US Defense Department ang kanilang pagbabantay sa Taiwan.
Kasunod ito sa kumpirmasyon ng isang Taiwan official na matutuloy ang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi kahit na binalaan na sila ng China.
Hindi naman binanggit ng opisyal sa Taiwan kung saan mamamalagi at mga agenda ni Pelosi.
Tiniyak din ng US Defense Department na nakabantay sila sa nasabing lugar laban sa anumang paggalaw mula sa China sisira sa pagbisita ni Pelosi.
Si Pelosi ang unang US House Speaker na magtutungo sa Taiwan matapos ang 25 taon.
Nauna ng nagbabala ang China sa US na huwag ng ituloy ang pagbisita ni Pelosi sa Taiwan para hindi na maimpluwensiyahan ito ng US.