-- Advertisements --

Tiniyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) , na magiging transparent at kaniyang mahigpit na babantayan ang implementasyon ng mga proyekto.

Sinabi nito na hindi niya 100 porsyentong magagarantiya ang spending plan subalit tiniyak nito ang transparency.

Dagdag pa nito na ang budget revisionng ahensiya ay base na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tanggalin lahat ang mga locally funded na flood control projects.

Paglilinaw nito na hindi porket wala ng inilaan na budget para sa flood control ay wala na silang gagawing mga nabanggit na proyekto.