Pumanaw na ang komedyante sa US na si Carl Reiner edad 98.

Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak na pagpanaw ni Reiner sa kaniyang bahay sa Beverly Hills.

Bukod sa pagiging actor ay naging producer, director at Grammy winner.

Naging 9 Emmy awards winner ito sa loob ng pitong dekada.
Nakilala ito sa show na “The Dikc Van Dyke Show” kung saan ito bumida.

Nakagawa rin ito ng best-selling album kasama si Mel Brooks na tinawag na “The 2000 Year Old Man” na nakamit ang Grammy nomination at nakilala lalo siya sa kaniyang writing career.

Ilan sa mga ginawa siya sa kaniyang directing career ay kinabibilangan ng “Summer Rental” kasama si John Candy, “Summer School” kasama si Mark Harmon at “That Old Feeling” kasama si Bette Midler.