Sisiyasatin ng united States Coast Guard (USCH) ang nagpapatuloy na operasyon ng Pilipinas para sa pag-contain ng malawakang oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa may karagatan ng Oriental Mindoro sa isasagawang pagpupulong ngayong araw kasama ang Philippine Coast Guard (PCG).
Nauna ng kinumpirma ng tagapagsalita ng PCG na si Rear Admiral Armand Balilo na nakatakdang mag-courtesy call ang US Coast Guard officials kay Admiral Abu kung saan magbibigay ng presentation ang Pilipinas kaugnay sa ginagawang pagtugon sa tumagas na langis.
Paliwanag pa ng PCG official na magkakaroon ng executive briefing kung saan ang US Coast Guard at PCG chief at magbibigay ng briefing sa kasalukuyang sitwasyon kaugnay sa tumagas na langis.
Una ng sumulat si Abu sa US embassy para humingi ng assistance sa oil spill clean-up.