-- Advertisements --
Kinokonsidera ng Trump administration na taasan pa ang singil sa mga magpapasa ng kanilang U.S. citizenship applications.
Ayon sa Department of Homeland Security, mula $640 ay tataas ito ng hanggang $1,170.
Balak din umano nilang taasan ang asylum fee ng $50.
Batay sa isinagawang biennial fee review, hindi pa sakop ng United States Citizenship at Immigration Services ang kabuuang total ng adjudication at naturalization services.
Kung hindi umano tataasan ang pondo, posible raw na makararanas ang ahensya ng annual shortfall na aabot sa $1.2 billion.
Iminungkahi naman ng Department of Homeland Security na i-adjust ng 21% ang U.S Citizenship at Immigration fees.