-- Advertisements --
Binalaan ng US ang China kapag hindi tumigil ito sa pagtulong sa Russia para labanan ang Ukraine.
Ayon kay US Secretary of State Antony Blinken, ito ang naging malinaw na pahayag niya sa opisyal ng China noong ito ay bumisita doon.
Hindi naman binanggit ni Blinken kung anong hakbang ang gagawin ng US.
May impormasyon kasi ang US na nagsusuplay ang China ng mga gamit pandigma laban sa Russia mula ng lusubin nila ang Ukraine noong 2022.
Ang pagbisita ni Blinken sa China ay siyang pangalawa na pagkatapos ng 10 buwan kung saan nakapulong nito si Chinese President Xi Jinping para muling pagtibayin ang relasyon ng China at US.