-- Advertisements --

Binalaan ng US ang North Korea dahil ukol sa pagbebenta nito ng mga armas sa Russia habang patuloy pa ang labanan nila sa Ukraine.

Sinabi ni White House national security spokesperson John Kirby na labis silang nababahala sa nasabing usapin na mas magpapalala sa labanan ng Russia kontra Ukraine.

Dahil dito ay hinikayat niya ang North Korea na tigilan na ang anumang negosasyon ng pagbebenta ng armas sa Russia.

Iginiit kasi nito na kinukumbinsing mabuti ni Russian Defense Minister Sergei Shoigu ang North Korea na bentahan sila ng mga bala at armas.

Isinagawa ito ni Shoigu ang pakiusap ng dumalaw siya sa North Korea noong nakaraang buwan.