-- Advertisements --
Nagkasundo ang US at South Korea ang pagpapalawig ng ginagawa nilang military drills at pagpapalalakas kung paano maharang ang banta ng nuclear attack ng North Korea.
Ito ang tinalakay ni US Defense Secretary Lloyd Austin at South Korean Defense Minister Lee Jong-sup sa pagbisita ng US official sa nasabing bansa.
Pagtitiyak ni Austin na hindi tumitigil ang US sa pagsuporta sa South Korea.
Magugunitang noong nakaraang taon ay makailang beses na nagpakawala ng intercontinental ballistic missiles (ICBMS) ang North Korea na umabot pa sa US.