-- Advertisements --

Kinondina ng US at ilang kaalyadong bansa nito ang pinakahuling pagpapakawala ng North Korea ng missile.

Nagsagawa ng emergency meeting si US Vice President Kamala Harris sa mga lider ng Australia, Japan, South Korea, Canada at New Zealand na pawang dumalo sa Asia-Pacific economic summit sa Thailand para kondinahin ang ginawa ng North Korea.

Sinabi ni Harris na ang ginawa ng North Korea ay magdudulot ng tension sa Korean peninsula.

Hinala ng isang senior US administration na ang rocket na pinakawalan ng North Korea ay mas mahabang uri ng range missile na kayang maabot ang ibang mga bansa.

Nauna na ring kinondina ni United Nation Secretary General Antonio Guterres ang ginawa na ito ng North Korea at nanawagan na tigilan ang ang ginagawa nitong missile launch.