-- Advertisements --

Tiniyak ng US at France ang kanilang alyansa para mapanagot ang Russia dahil sa pagpapalaganap nito ng giyera partikular na sa Ukraine.

Ito ang tinalakay ni French President Emmanuel Macron sa pagbisita nito sa White House.

Sinabi naman ni US President Joe Biden na isang malaking pagkakamali ang ginagawa ngayon ng Russia na inaatake ang mga imprastraktura at nadadamay ang mga inosenteng sibilyan.

Pagtitiyak ni Biden na mahigpit ang alyansa ng France at US at hindi sila hihinto sa pagtulong sa Ukraine para tuluyang labanan ang ginagawang pananakop ng Russia.