-- Advertisements --

Inanunsyo ng mga opisyal mula sa Estados Unidos at China noong Lunes (local time) ang 90-araw na truce upang pag-usapan ang mga isyu sa pagbaba ng taripa.

Ayon kay US Trade Representative Jamieson Greer at US Treasury Secretary Scott Bessent, magbabawas umano ng taripa sa mga produkto ng China ang US mula 145% papuntang 30% na lamang, samantalang ang China naman ay babawasan ng 10% ang mga produkto ng US.

Sinabi pa ni Bessent na ang mga mataas na taripa ay nagdulot ng kalituhan at halos naging isang uri ng “embargo” sa pagitan ng dalawang bansa, isang sitwasyon na ayaw ng alinman sa kanila. Pinuri naman ng Ministry of Commerce ng China ang kasunduan at hiniling ang pagtigil ng Estados Unidos sa mga “unilateral na pagtaas ng taripa.”

Inanunsyo din ng China ang suspensyon ng iba pang mga hakbang na inilunsad nito bilang tugon sa mga taripa ng US, kabilang na ang pag-kontrol sa exportation ng mga bihirang mineral.

Bagaman may mga positibong reaksyon mula sa mga merkado at negosyo, may mga nagbigay ng babala ukol sa patuloy na kawalan ng katiyakan, lalo na’t ang kasunduan ay mayroon lamang na 90-araw ang itatagal.