-- Advertisements --

Nakipagpulong si US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines para talakayin ang mga plano para sa defense cooperation, na kinabibilangan ng mga bagong joint patrol sa West Philippine Sea.

Habang hindi nagbigay si US Ambassador ng mga detalye sa kanilang joint patrol, sinabi ni AFP chief General Romeo Brawner Jr. na ang joint patrols ay kinakailangan upang mas maipatupad ang isang rules-based international order.

Sumang-ayon din si retired Senior Associate Justice Antonio Carpio, na bahagi ng legal team na nanalo laban sa China sa Permanent Court of Arbitration noong 2016, na dapat magpatuloy ang joint patrols.

Ang unang joint patrol ng Pilipinas at US ay isinagawa noong Nobyembre 2023 sa West Philippine Sea at iba pang lugar sa karagatan malapit sa Taiwan na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

Nagprotesta ang China sa mga patrol na ito na sinasabing nakagambala isa umiiral na negosasyon sa ibang mga bansa tungkol sa South China Sea.

Wala pang komento ang Chinese Embassy at Department of Foreign Affairs sa pahayag ni Carpio.