-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkadismaya si 2020 US presidential hopeful Sen. Bernie Sanders dahil sa bilang ng mga kabataan na bumoto para sa kaniya.

Taliwas daw ito sa inaasahan ni Sanders at ng kaniyang mga advisers. Ayon sa Vermont senator, hindi raw bumoboto ang bagong henerasyon sa parehong paraan ng mas nakatatandang henerasyon.

Sa kabila nito, kumpyansa pa rin daw si Sanders na posibleng magbago pa ang takbo ng kaniyang kampanya sa gaganapin na general election sa Nobyembre.

Kasalukuyang naungusan ni Former Vice President Joe Biden si Sanders ngunit positibo pa rin ang huli na mananalo siya sa California na mayroong malaking bilang ng delegates.

“Joe Biden is somebody I have known for many years. I like Joe, I think he’s a very decent human being. Joe and I have a very different voting record, Joe and I have a very different vision for the future of this country, and Joe and I are running very different campaigns,” saad ni Sanders.