-- Advertisements --
Bahagyang humina ang bagyong Ursula habang tinatahak nito ang West Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo 100 kilometers north-northwest ng Coron, Palawan.
May lakas pa rin ito ng hangin ng 130 kiliometers per hour at pagbugso ng hanggang 160 kph.
Nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal number 2 ang Occidental Mindoro kabilang na ang Lubang Island, Oriental Mindoro at Calamian Island.
Nasa TCWS 1 ang Bataan, Laguna, Cavite, Batangas, Southwestern Quezon, Marinduque, western Romblon, rest of extreme northern Palawan kasama na ang Cuyo Islands, northwestern Antique at northwestern Aklan.
Magdudulot pa rin ito ng pagulan sa malaking bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila.