Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang installation works ng patient monitoring system sa Lung Center of the Philippines (LCP) sa loob lamang ng isang araw imbes na tatlong araw.
Sa mensahe kay DPWH Undersecretary Emil K. Sadain, sinabi ni Dr. Gloanne C. Adolor ng Lung Center na nagpapasalamat ang naturang hospital kay DPWH led by Secretary Mark A. Villar dahil sa mabilis na pagsasaayos sa kinakailangan nilang pasilidad.
Kabilang dito ang installation ng cardiac monitors at closed-circuit television (CCTV) video surveillance sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ward.
Sa report kay Secretary Villar, sinabi ni Undersecretary Emil K. Sadain na natapos agad ang trabaho sa Lung Center dahil sa 30 workers mula sa Nationstar Development Corporation.
Aniya, binilisan daw ng mga workers ang trabaho dahil sa urgent situations sa hospital lalo na’t mayroong 24 covid patients ang naghihintay sa kanilang mga kuwarto para maayos.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Secretary Villar sa buong workforce ng Lung Center na inilalagay ang kanilang mga buhay sa panganib sa gitna ng serious health crisis.