-- Advertisements --

Matapos i-develop ang mura at mas mabilis na testing kits, balik eksena ang mga taga-University of the Philipines (UP) na bumubuo naman ngayon ng sanitation tent na pwedeng magamit ng mga establisyemento laban sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa Facebook post ng UP Diliman student na si Kyla Mae Tan, sinabi nito na nagsanib pwersa ang iba’t-ibang kolehiyo ng unibersidad, kasama ang mga alumni para sa disenyo ng sanitation tent.

Kapag natapos itong buohin, mapapakinabangan daw ito ng mga ospital, train stations, bus stops, at opisina.

Maging mga grocery at public market ay pwede rin daw gumamit nito.

Sa ngayon isinasapinal pa raw ng team ang disenyo, pero tiniyak nila na kapag natapos na ay agad nila itong ipapadala sa mga contact at local government units na gustong gumamit.

ULibre rin daw nila itong ibibigay, lalo na’t maaaring bilhin sa mga local hardware ang materyales.