Sa pambihirang pagkakataon, nalampasan ng University of the Philippines (UP) ang ilan sa sikat na international university sa dami ng health research citations ng 2019 Times Higher Education (THE) World University Rankings.
Kabilang ang UP sa top 10 ranking ng THE matapos makakuha ng 98.89 score sa mga kinilalang pag-aaral sa larangan ng clinical and pre-clinical health.
Natalo ng State U na nasa kasalukuyang nasa 501-600 rank ng World University Rankings, ang malalaking paaralan sa ibang bansa gaya ng Harvard University na nasa 37th place.
Kung maaalala, nasa ika-anim na pwesto ang Harvard sa 2019 World University Rankings.
Pumangalawa naman ito sa ranggo ng mga paaralan na leading sa larangan ng edukasyon sa clinical and pre-clinical health degress gaya ng medicine, pharmacy, dentistry at iba pa.
Kabilang rin sa natalo ng UP sa naturang category ang prestihiyosong Stanford University at University of Oxford.
Nanguna sa top 10 ng most number of citations sa clinical and pre-clinical health researches ang: Tokyo Metropolitan University (Japan); sinundan ito ng Aukland University of Technology (New Zealand); Metropolitan Autonomous University (Mexico); Jordan University of Science and Technology (Jordan); University of Canberra (Australia); at Anglia Ruskin University (United Kingdom).