-- Advertisements --
Nagtala ng pagtaas ng interesadong aplikante para sa kanilang libreng online courses ngayong taon ang University of the Philippines Open University (UPOU) .
Ayon kay Dr. Myra Almodiel, associate professor and director of the Office of Public Affairs at UPOU na layon ng nasabing programa ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na may trabaho na at may kapansanan na kumuha ng mga kursong iniaalok.
Mayroong 24 na kurso ang iniaalok kada buwan sa ilalim ng Massive Online Open Courses (MOOCs).
Sa nasabing paraan aniya ay magkakaroon na ng de-kalidad na edukasyon na abot-kamay ng mga Pinoy sa buong mundo.