-- Advertisements --

Ikinagulat ni dating University of the Philippines guard Bea Daez-Fabros sa pagkakapili sa kaniya ng WNBL bilang ambassador.

Sinabi nito na hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang alok ni NBL executive vice president Rhose Montreal.

wnbl

Dagdag pa nito na layon nito ngayon ay palaguhin ang women’s basketball sa bansa.
Nag-represent na kasi si Daez sa bansa sa FIBA Women’s Asia Cup noong nakaraang taon.

Magugunitang kinilala na ng Games and Amusement Board (GAB) bilang professional league ang WNBL kasama ang National Basketball League.