-- Advertisements --

Pinayuhan ni University of the Philippines Fighting Maroons head coach Goldwin Monteverde na huwag padadala sa pressure sa do-or-die game nila ng Dela Salle University sa UAAP Men’s Basketball Finals.

Gaganapin ang winner-take-all game ng dalawang koponan ngayon Miyerkules sa Smar Araneta.

Ito na kasi ang pangatlong sunod na rubber match ng UP sa UAAP Finals.

Sinabi ni Monteverde sa kaniyang mga manlalaro na dapat ay nakatuon ang kanilang atensiyon sa panalo at hindi padadala sa anumang pressure ng laro.

Magugunitang sa nagwagi ang UP sa unang do-or-die Game 3 noong nakaraang taon laban sa Ateneo Blue Eagles noong Season 84 at pagdating ng Season 85 ay nakabawi ang Ateno.