Lumalabas sa pag-aaral ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) na may tinatayang 7,119 indibidwal na nag-positive sa COVID-19 ang hindi pa nasasama sa bilang ng Department of Health (DOH).

Batay sa research na ginawa nina professor Guido David at Ranjit Rye, kasama si research associate Ma. Patricia Agbulos, mula sa 36 na laboratoryo ang higit 7,000 positive results na hindi pa nava-validate.

Kaya kung papasok na ito total ng DOH data, papalo sa higit 21,000 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon sa mga eksperto, halos walang nagbago sa lingguhang bilang ng mga bagong kaso sa National Capital Region sa loob ng 10-araw na lumipas mula nang ipatupad ang modified enhanced community quarantine.

“Makati, Las Piñas, and Pasay had the largest week-to-week increase in new COVID-19 cases, up by 170 percent, 60 percent, and 58 percent, respectively, from the previous week. These were offset by decreases in new COVID-19 cases in Mandaluyong, Marikina, Pasig, Quezon City, and San Juan,” ayon sa UP experts.

Para sa mga eksperto, dapat talagang manatili muna sa mahigpit na quarantine measures ang Metro Manila, lalo na’t hindi pa rin sigurado ang curve flattening o tulyang pagbagal ng mga kaso ng sakit.

“If we include the cases for validation in NCR in the forecasts, then the projection is 12,700 total COVID-19 cases and 920 deaths by June 15.”

Mula sa higit 15,000 total COVID-10 cases nitong Huwebes, higit 10,000 ang mula sa NCR.