Maaari ng magparehistro ang mga Pilipino na hindi pa rehistrado para malaboto sa May 2025 midterm elections simula sa araw ng Lunes, Pebrero 12.
Magtatagal ang voter registration period hanggang sa Setyembre 30 ng kasalukuyang taon.
Sa mga nais na magparehistro, magtungo lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng Comelec sa inyong lugar mula sa araw ng Lunes hanggang Sabado sa oras na alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon kabilang ang holidays maliban na lamang sa Holy week o mula Marso 28 hanggang 30.
Paalala naman ng Comelec na ang mga kwalipikadong registrants ay dapat edad 18 anyos sa mismo o bago ang araw ng halalan, dapat na residente sa loob ng 6 na buwan sa lugar ng pagbobotohan.
Kailangan ding magpresenta ng government issued valid ID para makumpirma ang identity sa kasagsagan ng registration.