-- Advertisements --

Kinuwestiyon ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang paglagay ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ng “unprogrammed appropriations” ang pondo para sa COVID-19 booster shots.

Sa unang araw ng budet hearing, pinuna ni Quimbo ang planning decisions ng DBM hinggil sa higit P45 billion na alokasyon para sa booster shots ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay DBM OIC Tina Canda, wala pa kasing assurance o katiyakan mula sa mga eksperto at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung talagang kailangan ang booster shots na ito.

Gayunman, sinabi ni Canda na may pondo para sa buong COVID-19 vaccination requirement sa loob sa 2022 national budget na sapat para mabakunahan ang 80 million katao.