Ikinokonsidera ni Sen. Sherwin Gatchalian, pinuno ng committee on basic education, ang universal meal program para tugunan ang problema sa malnutrition ng mga bata sa bansa.
Ayon kay Gatchalian, mainam itong gawin sa mga paaralan, ngayong nagsimula na uli ang pasok ng mga mag-aaral.
Target ding matugunan ng programang ito ang pagtuturo sa mga kabataan na maiwasan ang pagkasayang ng pagkain.
Nabatid sa datos ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) para sa 2021, humigit-kumulang 2.7 milyon o 20% ng mga batang may edad na 5 hanggang 10 ay kulang sa tangkad para sa kanilang edad, 2.8 milyon o 21. % ay kulang sa timbang, at humigit-kumulang 1 milyon o 7% ang lubhang kapos sa lahat ng uri ng nutrisyon.
Ang pagpopondo para sa school-based feeding program (SBFP) ngayong school year ay magpapalawak ng coverage sa 220 araw o ang buong school year.
Sa mga nakaraang taon, mayroon lamang 120 araw ng pagpapakain.
Mula sa budget na P5 bilyon, ang alokasyon ay umakyat sa P11 bilyon sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) 2024, kung saan makikita ang pagtaas ng 105%.
Target ng Department of Education (DepEd) ang 1.6 million beneficiaries mula Kindergarten hanggang Grade 6 para sa susunod na school year.
-- Advertisements --