Inihayag ng United Nations International Children’s Emergency Fund (Unicef) na may naka-preposition na emergency supplies para sa 10,000 pamilyang Pilipino sa gitna ng epekto ng bagyong Betty.
Kabilang sa naturang emergency supplies ang schools-in-a-box kits, family hygiene at dignity kits, tents, water purification tablets gayundin ang ready-to-use na theraputic food at iba pa.
Ayon sa US agency, maaari ng maipamahagi ang naturang supplies sa oras na nag-abiso na ang mga partners nito.
Nagpahayag din ang Unicef ng pagkabahala para sa mga bata at mg apamilya na siyang higit na naapektuhan sa ectreme weather na daal ng climate change.
Base sa inilabas na pag-aaral ng Unicef ang mga batang Pilipino ang isa sa pinaka-vulnerable sa exposure sa climate at environmental shocks kung saan nananatili ang Pilipinas na isa sa mga bansang pinakaapektado ng climate change.