Hinimok ng United Nations Human Rights Committee (UNHRC) ang gobyerno ng Pilipinas na repasuhin ang paraan ng pagpaparusa nito para masugpo ang iligal na droga sa bansa.
Iginiit din ng komite na dapat ito ay alinsunod sa International Covenant on Civil and Political rights.
Ito ay kasundo ng pagkabahala ng Komite sa reports hinggil sa mga paglabag na karapatang pantao at napakataas na bilang ng extrajudicial killings partikular sa konteksto ng kampaniya ng gobyerno laban sa iligal na droga.
Inirekomenda rin ng Commitee sa gitna ng decongestion sa mga piitan dahil sa mga naaresto sa iligal na droga na palawigin ang non-custodial measures at dapat na pagtingin pa ang kanilang efforts sa pagsasaayos ng mga kalagayan ng lahat ng mga preso sa mga kulungan.
Dapat din aniya na tiyakin na mayroong access ang mga kababaihang bilanggo lalo na ang mga buntis ng medical care at iba pang services.
Nagpahayag din ng pagkabahala ang Committee sa long pretrial detention ng dating Sendor Leila de Lima simula pa noong taong 2017 at hinikayat ang pamahalaan na iwasang magamit ang criminal laws sa pag-harass, pag-intimidate at pag-exclude sa mga oposisyon mula sa electoral processes at public life.
Binigyang diin naman ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Teresita Diaz na seryoso ng gobyerno pagdating sa pagtugon sa human rights obligation nito at mayroon ding reporma na ginagawa ang pamahalaan para masolusyunan ang problema sa iligal na droga sa bansa.