Nangako si House Committee on Metro Manila Development chairman Manuel Luis Lopez na susuportahan niya ang paglaan ng karagdagang pondo para sa contact tracing kasabay nang pagsusulong sa isang application para mapadali ang COVID-19 efforts ng mga lokal na pamahalaan.
Ayon kay Lopez, makakatulong para sa mga health workers at sa pamahalaan ang pagkakaroon ng isang unified app para sa contact tracing upang sa gayon mas seamless at timely ang verification process.
“Making an app at this point in time would be crucial in containing the pandemic,” ani Lopez.
Mapapdali rin aniya nito ang access ng mga Pilipino sa tulong mula sa pamahalaan dahil bukod sa contact tracing, mapapaloob din sa app ang feature para sa tele-consultation, request para sa COVID-19 testing, at monitoring.
Magiging libre ang app na ito sa oras na matuloy ang naturang plano dahil ang gobyerno aniya ang siyang sasagot sa gastos para sa server charges at siya ring bahala sa validation ng public disclosures, pag-manage sa requests, at coordination sa mga healthcare professionals at healthcare institutions.