-- Advertisements --

Nanawagan ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) sa Israel na tigilan na ang pag-atake sa Lebanon.

Kasunod ito sa pagkakasawi ng ilang sibilyan sa air raid ng Israel sa south Lebanon.

Mula kasi noong Oktubre 8 ay nagpapalitan ng putok ang Israel at mga Hezbollah na nakatalaga southern Lebanon.

Marami na ang nasawi sa nasabing labanan maging ang mga residente ay nawalan na rin ng tirahan.

Una ng inako ng Israel ang nasabing atake sa military buildings at terrorist infrastructures ng Hezbollah sa ilang lugar sa southern Lebanon.

Naglabas pa ang mga ito ng mga larawan at videos ng kanilang fighter jets na umaatake sa Lebanon.

Isinara na rin ng Israel ang Kerem Shalom crossing sa Gaza matapos na magpakawala ng rockets ang Hamas sa lugar.

Nagresulta ang insidente sa pagkakasugat ng 10 katao.

Ang nasabing crossing kasi ay isa sa mga ruta ng mga humanitarian aid gaya ng pagkain ang mga medical supplies.