Hinikayat ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang mga mambabatas sa bansa na huwag ng pababain ang edad ng criminal responsibility.

Sa inilabas na kalatas ng UNICEF, na imbes na pinaplano ng mga mambabatas ang pagpapababa ng edad ng mga kabataan na sangkot sa krimen ay dapat ipatupad ng buo ang Juvenile Justice and Welfare Act.

Mag-isip din aniya ang mga mambabatas kung paano mabigyan ng magandang rehabilitasyon ang mga kabataang sangkot sa krimen.

Nauna rito plano ngayon ng mga mambabatas na baguhin ang edad ng mga menor-de-edad na sangkot sa krimen.