Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi makatotohanan ang ilang lumalabas na figure ukol sa mga nawalan ng trabaho.
Lumabas kasi sa ilang data na 250,000 ang nawalan ng hanap buhay, ngunit 17,000 lang naman talaga ang naapektuhan sa dalawang linggong pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, ang pinagbabasehan nila ay record mismong nagmula sa mga lehitimong kompaniya sa ECQ affected areas.
Paliwanag pa nito, hindi naman talaga nawalan ng trabaho ang karamihan sa mga ito at sa halip ay nabawasan lamang ang working hours nila.
May mga sumailalim din sa flexible working arrangements para makaiwas sa curfew at paglabas ng bahay.
Inaasahang marami pa rin ang makakabalik, kapag naging maluwag na uli ang quarantine protocols.