-- Advertisements --
image 75

Inihayag ng Philippine Statistics Authority, na mas maraming manggagawang Pilipino ang walang trabaho noong buwan ng Disyembre.

Ayon sa ulat, ang unemployment rate ay naaayon sa 4.3 percent noong Disyembre, katumbas ng 2.22 milyong Pilipinong walang trabaho.

Ang bilang sa buwan ng Disyembre ay bahagyang mas mataas kumpara sa 2.18 milyon o 4.2 percent rate noong November 2022.

Samantala, ang underemployment naman ay bumaba sa 12.6 percent na katumbas ng 6.2 million na Filipino na naghahanap ng mas maraming trabaho.

Ang rate ng underemployment noong Disyembre ay mas mahusay kaysa sa 14.4 percent o 7.16 milyon na nakita sa nakaraang buwan.

Una na rito, bahagyang mas mababa rin ang kabuuang employment rate sa bansa noong Disyembre sa 95.7 percent o 49 million kumpara sa November na 95.8 percent rate o 49.71 million na mga Pinoy.