-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Umapela na rin ng tulong sa pamahalaan ng Pilipinas ang mga undocumented Pinoys sa Switzerland na apektado ng umiiral ding community quarantine doon bunsod ng COVID-19 outbreak.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Atty. Cheryl Daytec-Yagot, ang labor attache ng Pilipinas sa Switzerland, na marami ng undocumented OFWs ang dumulog sa kanilang tanggapan para magtanong kung anong tulong ang inilaan sa kanila ng gobyerno.

Sa ngayon daw kasi ay may nakalaan na 200-dollars para sa mga undocumented OFWs, at hinihintay na lang ang panuntunan kung paano ito maipapamahagi.

Batay sa data ng tanggapan, nasa 8,000 Pilipino ang nagta-trabahon sa Switzerland. Ang 2,000 sa mga ito ay undocumented, na karamihan ay household worker.

Tatlo mula sa limang Pilipino na nag-positibo sa COVID-19 doon ay gumaling na raw.