-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nadetect sa bansa ang unang kaso ng omicron subvariant XBB.1.5.

Ayon sa mga eksperto, ito ang most transmissible o pinaka-nakakahawang uri ng Covid19.

Base sa latest biosurveillance report ng DOH, mula sa 1,078 samples na sinuri sa genome sequencing mula Enero 30 hanggang Pebrero 3, nasa 196 dito ang nagpositibo sa XBB, kabilang ang isang kaso na natukoy na positibo sa XBB.1.5 subvariant.

Ang mga bagong kaso ng XBB ay mula sa lahat ng rehiyon maliban sa Region 8 at Bangsamoro region.

Ayon sa DOH , base sa European Centre for Disease Prevention and Control, inouri ang XBB.1.5 bilang offshoot ng XBB subvariant at isang variant of interest na laganap sa buong mundo at mayroong enhanced immune-evading properties.

Nadetect na rin ito sa 59 na mga bansa mula sa anim na kontinente.

Ayon sa rapid risk assessment na isinagawa ng World Health Organization mayroong moderate strength evidence para sa mataas na banta ng hawaan at immune escape ng nasabing virus.

Subalit base sa kasalukuyang ebidensiya, walang oagkakaiba ito pagdating sa severity at clinical manifestation kumpara sa orihinal na omicron variant.