Kinuwestiyon ni Senador Imee Marcos ang naging desisyon ng Office of the Ombudsman na pagsuspendi ng Ombudsman kay Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca kasunod ng nangyaring putukan sa Senado noong Miyerkules, Mayo-13.
Maaalalang kahapon, Mayo 15, ay inilabas ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang anim na buwang suspension laban kay Aplasca, dalawang araw matapos maganap ang kontrobersiyal na pamamaril.
Buwelta ni Marcos, dapat ding suspendihin ng Ombudsman si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag.
Aniya, pabago-bago ang pahayag ni Matibag ukol sa insidente, na nagpapakita ng inconsistensies sa panig ng NBI.
Tanong pa ng presidential sister, bakit ang NBI na ‘nambugbog’ sa Office of the Sergeant at Arms ay hindi sinuspinde, habang ang Senate security chief ay agad sinuspinde.
Hindi rin isinasantabi ng senador ang posibilidad ng pamumulitika sa likod ng nangyaring tensyon sa Senado.
Unang inamin ni Aplasca na siya ang naunang nagpaputok sa Senado bilang ‘warning shot’ laban sa mga ahente ng NBI.
















