-- Advertisements --

Natukoy ng Pilipinas ang unang dalawang kaso ng Omicron BA.5 na variant sa dalawang residente mula sa Central Luzon base sa ulat ng Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga pasyente ay walang travel history maliban sa kanilang polling precinct sa Metro Manila.

Agad na isinailalim sa isolation ang mag-asawa matapos makaranas ng ubo at sipon, at ngayon ay asymptomatic at na-tag bilang naka-recover.

Ang mga pasyente ay mayroong dalawang malapit na kontak, na mga miyembro ng kanilang sambahayan at patuloy na isinailalim sa isolation matapos ang isa sa kanila ay magpositibo sa virus.

Ang Pilipinas noong nakaraang buwan ay nag-ulat ng kanilang unang omicron BA.4 subvariant sa isang returning Filipino mula sa Middle East at sa ngayon ay nag-ulat ng 22 kaso ng omicron BA.2.12.1 subvariant.