-- Advertisements --
Dumating na sa Ukraine ang US Abrams tanks.
Kinumpirma ito ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky kung saan malaking tulong ito sa pagdepensa ng kanilang teritoryo.
Maging ang Pentagon ay iniulat din na ang pagdating ng unang batch nila na kinabibilangan ng 31 Abrams tanks.
Dahil dito ay magiging epektibo ang gagawin ng Ukraine na bantayan ang kanilang teritoryo.
Magugunitang ilan lamang ang nasabing mga tanke na naipangako ng US sa Ukraine.