-- Advertisements --

Dumating na ang unang batch ng persons deprived of liberty (PDL) sa Puerto Princesa City.

Ang 500 PDL na mula sa Metro Manila ay unang batch ng 2,500 na PDL na ililipat sa Iwahig Prison and Penal Farm sa lalawigan ng Palawan.

Isinakay ang mga ito sa commercial na barko mula sa Maynia.

Kasama sa nasaibng PDL ang 50 babae na ilalagay ang mga ito sa bubuksang Correctional Institution for Women (CIW) sa Sta. Lucia Sub-Colony.