Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na makumpleto ang unang bahagi ng National Broadband program bago matapos ang 2023.
Ayon kay DICT Secretary Ivan Uy, on track na ang ahensiya para matapos ang National Fiber Backbone program na parte ng mas malaking National Broadband Project na sinimulan noong 2017 na magbibigay ng broadband connectivity sa buong bansa.
Inaasahang magpapagana nito ang 28 nodes o sentro na nagkokonekta ng intersections o points sa Luzon.
Pinapaspasan na rin aniya ang paghahatid ng interventions, physical infrastructure at wired and wireless broadband technologies sa pamamagitan ng Broadband ng Masa program na inilunsad naman noong pebrero na nagbibigay ng Wi-Fi connectivity sa iba’t ibang probinsiya.