-- Advertisements --

Nanawagan ang United Nation Security Council ng agarang tigil putukan sa pagitan ng Israel at Hamas militants sa Gaza.

Ayon sa 15-member council na mararapat na magkaroon ng ilang araw na tigil putukan para mabigyan ng daan ang humanitarian aid na makarating sa mga mamamayan ng Gaza.

Mayroong 12 miyembro ang pumabor sa nasabing panawagan habang ang US, Russia at Britain ay nag-abstain sa nasabing sa botohan ukol sa resolusyon ng panawagan.

Nais kasi ng US na magkaroon ng humanitarian pause habang ang Russia ay isinusulong ang ceasefire.

Ang pause kasi ay ikinokonsiderang less formal at mas maikli kumpara sa ceasefire.

Hindi rin aniya kinokondina ng resolusyon ang ginawa ng Hamas sa Israel kaya ito ay kinontra ng US, Russia at Britanya na kaalyado ng Israel.