-- Advertisements --

Inaprubahan na ng United Nations Security Council ang proposal ng US para sa permanenteng ceasefire sa Gaza.

Ang nasabing resolution ay nakakuha ng 14 na pumabor, walang kumontra at isa ang nag-abstain at ito ang Russia.

Laman ng nasabing resolution din ang pagpapalaya sa mga bihag sa Gaza.

Ang nasabing proposal ni US President Joe Biden ay una ng sinang-ayunan ng Israel kung saan nanawagan din sila na dapat tanggapin na rin ng Hamas ito.

Magugunitang nasa Israel si US Secretary of State Antony Blinken para tiyakin kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na nasa likod sila ng US at ang ibang bansa sa paglaban kontra sa mga Hamas.