-- Advertisements --

Muling kinondina ng United Nations ang pinaigting na operasyo ng Israel sa Gaza laban sa Hamas militants.

Sinabi ni United Nations secretary general Antonio Gutteres na malinaw na mali ang ginawa ng Israel dahil sa maraming mga sibilyan sa Gaza ang nasawi na.

Hindi naman nangangahulugan na tama ang ginawa ng Hamas militants at sinabing mali din ang ginawa nila ng atakihin ang Israel noong Oktubre 7.

Nararapat na ang operasyo ng Israel ay naayon sa batas at pumapayag sila na makapasok ang humanitarian aid sa Gaza.

Magugunitang nasa mahigit 10,000 katao na ang nasawi sa Gaza mula ng paigtingin ng Israel ang pag-atake sa Gaza.

Ipinagmalaki rin ng Israel Defense Forces na kanilang nasira ang 130 tunnels ng Hamas sa ipinaigting nilang ground operations.

Magpapatuloy din aniya ang kanliang paghahanap sa mga lider ng mga Hamas matapos na ipinakalat ang kanilang sundalo sa paligid ng Gaza.