-- Advertisements --
Kinondina ni United Nations Secretary General Antonio Guterres ang ginawang pag-atake ng Hamas Militant groups sa Israel.
Nanawagan ito na huwag idamay ang mga sibilyan at palayain ang mga hostages.
Nakakaalarma aniya na rin ang bilang ng mga nasawi kung saan mahigit 800 na sa Israel at mahigit 500 Palestinians ang nasawi sa Gaza.
Nanawagan ito sa humanitarian aid sa mga sibilyan na naiipit sa kaguluhan sa Gaza.