Walang nakikita ang Qatar na negatibong epekto sa negosasayn ang resolution ng United Nation Security Council na nananawagan ng tigil putukan sa Gaza.
Sinabi ni Qatar foreign ministry spokesperson Majed Al Ansari na nagsasagawa ng pulong ang mga representative ng Israel sa Doha.
Wala din aniyang katotohanan na umatras na ang delegasyon ng Israel na nagsusulong ng usaping pangkapayapaan.
Patuloy pa rin na isinusulong ng Qatar ang pagkakaroon ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Nanawagan naman ang Hamas na tigilan na ng mga Western countries ang pag-air drop ng mga tulong nila sa Gaza.
Ito ay matapos na malunod ang 12 mga Palestino habang kinukuha sa karagatan ang inihulog na tulong na pagkain.
Hiniling nila na dapat mabuksan na ang land crossing para makadaan na ang mga tulong na ipapamahagi sa Gaza.