-- Advertisements --

Nagpaalala ang United Nations (UN) sa mga bansa na huwag kalimutan ang mga pinagdaanan ng mga babae at kabataan sa Afghanistan.

Kasunod ito sa isang taon na anibersaryo ng pagkontrol ng Taliban sa Afghanistan.

Sinabi ni United Nations Population Fund executive director Natalia Kanem na mayroon pang 95 percent na mga bata ngayon sa Afghanistan na hindi nakakakain ng tama.

Kahit na maraming krisis na kinakaharap ang mundo ay dapat hindi kalimutan ang mga babae sa nabanggit na bansa na pinagkaitan ng karapatan nila.

Babala pa nito na sa isang taon na pagkontrol ng Taliban ay bagsak pa rin ang ekonomiya ng Afghanistan.